1
Sa loob ng tabing, pumasok ka
At sa kampamento, lumabas ka;
Kung sa Pinakabanal mas’yahan,
Ang mundo’y kusa mong tatalikdan.
At sa kampamento, lumabas ka;
Kung sa Pinakabanal mas’yahan,
Ang mundo’y kusa mong tatalikdan.
2
Sa loob ng tabing, pumasok ka,
At sa kampamento, lumabas ka;
Kung sumilay l’walhati sa puso,
Paano pa mabihag ng mundo?
At sa kampamento, lumabas ka;
Kung sumilay l’walhati sa puso,
Paano pa mabihag ng mundo?
3
Ang maluwalhating Kristo’y masdan,
Mapagpakumbabang Kristo’y sundan;
Kung trono’t putong bumihag sa iyo,
Sabsaban at krus haharapin mo.
Mapagpakumbabang Kristo’y sundan;
Kung trono’t putong bumihag sa iyo,
Sabsaban at krus haharapin mo.
4
Kapangyarihan ng buhay kamtin,
Landas ng krus siya nating tahakin;
Kung mukha Niya sa langit mamasdan,
Bakas ni Kristo sa lupa’y sundan.
Landas ng krus siya nating tahakin;
Kung mukha Niya sa langit mamasdan,
Bakas ni Kristo sa lupa’y sundan.
5
Sa taba ng langit magtamasa,
Tiisin kahirapan sa lupa;
Kahit pagsubok dulot ay dusa,
May galak din dahil kasama Ka.
Tiisin kahirapan sa lupa;
Kahit pagsubok dulot ay dusa,
May galak din dahil kasama Ka.
6
Tamasahin ang yaman ni Kristo,
Tustusan ang kailangan ng tao;
Kung buhay ng langit ma’hayag Mo,
Pagpala’y mabahagi sa tao.
Tustusan ang kailangan ng tao;
Kung buhay ng langit ma’hayag Mo,
Pagpala’y mabahagi sa tao.
7
Sa loob ng tabing pumasok ka,
Hanggang langit lupa’y magkaisa;
Ika’y lumabas ng kampamento,
Hanggang magkaisa Diyos at tao.
Hanggang langit lupa’y magkaisa;
Ika’y lumabas ng kampamento,
Hanggang magkaisa Diyos at tao.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?