Nalibing at nabuhay muli

1
Nalibing at nabuhay muli
Ano pang dapat kong gawin?
Kay Kristo’y nagtapos punyagi
Bagong buhay lamang lakarin
Gloria sa Diyos!
2
Bumangong kasama’y si Kristo,
Aking mal’walhating Ulo
Ngayon tahakin kabanalan
Malaya na sa kasalanan.
Gloria sa Diyos!
3
Mamuhay, sumunod kay Kristo
Walang hanggan, nangunguna
Sa gapos lubusang lumaya
Saril’y ituring patay na.
Gloria sa Diyos!
4
Para kay Kristo, mamumuhay
Sa Diyos ay maglingkod tunay
Kristong biyaya’y hinalinhan
Ang kautusan, kasalanan.
Gloria sa Diyos!
5
Paglago kay Kristo’y limutin
Bagay kong pinagsisihan
Magbunga ‘ko sa kabanalan
Layon ng buhay ibahagi.
Gloria sa Diyos!