1
Kamangha-mangha, Pangino’n,
Na kata ay nagkaisa,
Ako’y sa Iyo, Ika’y sa akin,
Kamangha-manghang hiwaga!
Na kata ay nagkaisa,
Ako’y sa Iyo, Ika’y sa akin,
Kamangha-manghang hiwaga!
2
Buhay Mo’y sinakripisyo
Nang maging sangkap Mo ako;
Sa krus Ikaw ay nagdugo,
Sa sala ako’y hinango.
Nang maging sangkap Mo ako;
Sa krus Ikaw ay nagdugo,
Sa sala ako’y hinango.
3
Sa pagkabuhay-na-muli,
Bilang Espiritu ngayon,
Pumasok Ka’t ibahagi
Lahat Mong yaman, Pangino’n.
Bilang Espiritu ngayon,
Pumasok Ka’t ibahagi
Lahat Mong yaman, Pangino’n.
4
Inalaala Ka namin
Sa sagisag nasa mesa,
Salamat sa Iyong layunin,
At sa dinanas Mong dusa.
Sa sagisag nasa mesa,
Salamat sa Iyong layunin,
At sa dinanas Mong dusa.
5
Hatid ng saro’t tinapay
Katamisan ng Iyong tustos,
Sa espiritu ’binigay
Ang pagtatamasang lubos.
Katamisan ng Iyong tustos,
Sa espiritu ’binigay
Ang pagtatamasang lubos.
6
Kumain, uminom nawa,
Hanggang sa mapuspusan na
Sa ’spiritu ng Iyong mana,
Tunay Kang ginugunita.
Hanggang sa mapuspusan na
Sa ’spiritu ng Iyong mana,
Tunay Kang ginugunita.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?