1
Hesus, karapat-dapat Ka
Sa puring walang-hanggan,
Iyong pag-ibig at biyaya
Di-maarok ng isipan.
Sa puring walang-hanggan,
Iyong pag-ibig at biyaya
Di-maarok ng isipan.
2
Pasalamat ihahandog
Pinupuri ngalan Mo;
Halaga Mo’y ibabantog,
Dahil labis habag Mo.
Pinupuri ngalan Mo;
Halaga Mo’y ibabantog,
Dahil labis habag Mo.
3
Hesus, aming sinasamba,
Dakila’t mahabagin;
Walang hanggan Iyong pagsinta,
Makapangyarihan din.
Dakila’t mahabagin;
Walang hanggan Iyong pagsinta,
Makapangyarihan din.
4
Hesus, ang Una at Huli,
Hanggang wakas magdala;
Sa nakaraan, pagpuri,
Sa darating, tiwala.
Hanggang wakas magdala;
Sa nakaraan, pagpuri,
Sa darating, tiwala.
5
Puri, puri, purihin Siya,
Banal, laksan ang tinig;
Puri, puri di magbawa,
Puri’y hanggang sa langit.
Banal, laksan ang tinig;
Puri, puri di magbawa,
Puri’y hanggang sa langit.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?