Di Kita lubos malanghap

C142 CB172 D172 E172 F225 G172 K142 LSM32 P84 R204 S82 T172
1
Di Kita lubos malanghap,
Simoy ng pag-ibig;
Anong bangong halimuyak!
Ika’y Alhenang bulaklak,
Lunas makalangit,
Lunas makalangit.
2
Di kita lubos matingnan,
Anong karilagan!
Puso ko napaligaya,
Nang namasdan sa Iyong mukha,
Ang Iyong kagandahan,
Ang Iyong kagandahan.
3
Di Kita mapaglingkuran,
Hesus, nang lubusan!
Hindi ko nais lumaya,
Kundi paglingkuran Kita,
Hanggang katapusan,
Hanggang katapusan.
4
Di Kita lubos maawit,
Pangalang kay tamis,
Isang himig na malambing,
Sa puso ko nanggagaling,
Ang ligayang labis,
Ang ligayang labis.
5
Di Kita lubos masambit,
Magiliw Kang labis,
Ang puso Mo’y pumipintig,
Ako sa Iyo’y napalapit,
Kay inam! kay tamis!
Kay inam! kay tamis!
Ang Alhena ay halamang pinahahalagahan sa kanyang mahalimuyak na
dilaw at puting bulaklak. (Awit ng mga Awit 1:14)
1
Hannah G

Caloocan City, Metro Manila, Philippines

Di Kita mapaglingkuran,

Hesus, nang lubusan!

Hindi ko nais lumaya,

Kundi paglingkuran Kita,

Hanggang katapusan,

Hanggang katapusan.