Ang Katawan ni Kristo

1
Ang Katawan ni Kristo
Ay mga ekklesia
Ngayon patotoo Niya
Daan Niya sa lupa.
Nasa lahat ng lunsod
Kandelerong ginto.
Lumalaban Niyang hukbo,
Nobyang minamahal.
  Ekklesia, ekklesia,
Ngayon nasa lupa;
Puso namin pukawin Mo,
Nais Mong kami’y maitayo.
2
O kailangan ekklesia
Marami o kaunti!
Sa maraming bahagi
Lahat ay mag-ani.
Ekklesia’y palaguin
Kabigatan dalhin.
Hesus aming dalangin
Puso’y palawakin.
3
Mata ng Panginoon
Paroo’t parito;
Pito’t nagsisiyasat
Sa nais ng puso.
Maitayo ekklesia
Sa pagkakaisa;
Mahayag Panginoon
Gintong patotoo.
4
Matagumpay na Hari
Malapit dumating
Para sa ekklesia
Papuri’y narinig.
Halina Panginoon
Unang bunga’y kunin
Sa trono’y dalhin kami
Kasamang maghari.