O libutin ninyo ang Sion

Cs506 E1223 S371 T1223
1
O libutin ninyo ang Si-on
Sa pag-ibig ligirin
O libutin ninyo ang Sion
Mga moog saysayin.
2
Sa kanyang mga kuta’t pader
Puso ninyo’y ituon
Sa mga kuta’t palasyo N’ya
Inyong puso’y itakda.
3
Anong ganda sa kataasan
Galak ng buong lupa!
Anong ganda sa kataasan
Lungsod marapat ang Sion.
4
Pagdaloy malalim, malawak
Doon sa ilog ng Sion
O agos ng ilog na yaon
Lungsod ng Diyos ginalak.
5
Purihin Panginoon ng Sion
Papuri sa Iyo O Diyos
Purihin Panginoon ng Sion
Sion ay I-yong pinuspos.
6
Dakilang Panginoon sa Sion
Kay dakilang purihin,
Dakila sa lungsod na yaon
Sa lupa’y naibangon.
7
O papuri’y umapaw sa Sion
Pagpalain Pangin’on
O papuri’y umapaw sa Sion
Ng nasa Jerusalem.
8
Panginoon pagpalain ka
Paulit-ulit sa Sion
Ng buhay magpaka-i-lanman
Na mula roon sa Sion.
9
Anong buti’t ligayang masdan
Kapatiran samahan
Anong buti’t ligayang masdan
Sa kai-sahan manahan.
10
Saysayin sa lahat ng lahi
Maging sa susunod pa
Sinasabi ng Espiritu
At ng Nobya “Halika!”
Sion if no hyphen is one word. A hyphen is used due to some limitation in meter and is pronounced as is.