Panginoon, sa harap ng hapag Mo
Panginoon, sa harap ng hapag Mo
1
|
Panginoon, sa harap ng hapag Mo, Tinapay at saro ay namasdan; Purihin Ka, pagkain Ka ng tao, Matamasa sa libong paraan. |
Koro 1: Pupurihin Kita’t aawitan, Napakaliit Mo Hesus! Kakainin Ka nang walang hanggan; Napakaliit Mo Hesus! |
|
2
|
Yaman ni Kristo’y dala Niya sa mundo, Panustos ang buhay Niya sa tao, Sayang! tao’y lugmok sa pagtuturo, Itong yaman hindi niya matamo. |
Koro 2: Ang Pangino’n kailangang kainin; Kay hiwaga, di matalos! Sisigla tayo pag kumakain; Kristo’y lumalagong lubos. |
|
3
|
Hesus, di Ka pumarito sa lupa Upang maghari sa panlabas lang; Kundi Ika’y pagkaing matamasa, Buhay gumiya sa kalooban. |
(Koro 1) | |
4
|
Purihin Ka sa Iyong kadakilaan, Kapangyarihan at karangalan; Nguni’t lalo Kang pasasalamatan, Makakain Ka sa kaliitan. |
(Koro 1) |
1
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?
San Jose Del Monte, Bulacan, Philippines
Praise the Lord