Mangingibig kong Hesus
Mangingibig kong Hesus
1
|
Mangingibig kong Hesus, Sa Iyo ’ko’y lumalapit, ’Pagka’t alon at unos, Sa ’kin ay sumasapit: Ako ay Iyong ikubli, Hanggang bagyo’y lumipas; Igabay akong muli, Tanggapin akong ligtas. |
2
|
Tanging kanlungan Kita, Nakahawak lang sa Iyo; Huwag Mong iwang mag-isa, Tukuran, aliwin Mo. Sa Iyo’y nagtitiwala, Tulong Mo ay dadalhin; Bigyang sanggalang nawa Sa magiliw Mong lilim. |
3
|
Tangi Kang nilalayon; Kaysa lahat ng bagay; Natisod Iyong ibangon, Bulag ay Iyong igabay. Ngalan Mo’y tapat, banal, Ako ay kalikuan, Ako’y karumal-dumal, Ika’y katotohanan. |
4
|
Biyaya Mo ay sapat, Sinakop ang sala ko; Paapawin ang lunas; Gawin Mong wagas ako. Batis Ka ng buhay ko, Ika’y aking makamtan; Sumibol Ka sa puso, Hanggang sa walang hanggan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?