Daing at sakit hihinto

1
Daing at sakit hihinto
Sa pagdating ni Kristo
Mapanumbalik pag-asa,
Lumago paniwala.
Kristo’y darating! Darating!
Prinsipeng pinagpala.
2
Ngayon lupa ay saysayin
Pait ng Iyong krus, sakit;
Makikita Iyong lwalhati
Pagbalik Mo’y maghari.
Kristo’y darating! Darating
Bawa’t puso’y awitin.
3
Kapayapaan, pahinga,
Sa Iyo, sabik bayan Mo,
Di-lalaon makikita
Maningning Ka sa glorya.
Kristo’y darating! Darating!
Jubileo’y masaya.
4
Sa pinagpalang pag-asa,
Ang kudyapi’y ihanda;
Lak’san awit pagdating Nya
Sumabay bawa’t dila.
Kristo’y darating! Darating!
Hesus agad dumating.