1
Iniibig ko ang Iyong tahanan,
Ekklesiang pinagpala;
Ito’y Iyong nais at kasiyahan,
Dito Ka napahinga.
Ekklesiang pinagpala;
Ito’y Iyong nais at kasiyahan,
Dito Ka napahinga.
2
Sa kanya Sarili Mo’y ’binigay
Upang siya’y maging ganap;
Sa kanya sarili ko’y ialay,
Naisin Mo’y matupad.
Upang siya’y maging ganap;
Sa kanya sarili ko’y ialay,
Naisin Mo’y matupad.
3
Ang ekklesia’y aking pamumuhay,
Ikaw ay aking buhay;
Sarili ko’y pinawalang-saysay,
Ikaw lubos mataglay.
Ikaw ay aking buhay;
Sarili ko’y pinawalang-saysay,
Ikaw lubos mataglay.
4
Siya’y Iyong kasintahang sinisinta,
Gayundin Iyong Katawan;
Siya’y aking naisin at ligaya,
Aking sinasandigan.
Gayundin Iyong Katawan;
Siya’y aking naisin at ligaya,
Aking sinasandigan.
5
Sa kanya Iyong ’binigay sa akin,
Ang panustos Mong buo;
Sa kanya ako ay Iyong inangkin,
Nasiyahan Iyong puso.
Ang panustos Mong buo;
Sa kanya ako ay Iyong inangkin,
Nasiyahan Iyong puso.
6
Iniibig ko ang Iyong tahanan,
Ang hirang Mong ekklesia;
Dito ako’y laging mananahan
Hindi muling gagala.
Ang hirang Mong ekklesia;
Dito ako’y laging mananahan
Hindi muling gagala.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?