1
Poon, hipan Mo ng Iyong buhay,
Ako ay linsad at tigang;
Buhayin at ipanauli,
Iugpong sa Iyong Katawan.
Ako ay linsad at tigang;
Buhayin at ipanauli,
Iugpong sa Iyong Katawan.
2
Poon, hipan Mo ng Iyong buhay,
’Spiritu ko’y natalian;
Ako’y palayain ihalo
Sa agos ng Iyong Katawan.
’Spiritu ko’y natalian;
Ako’y palayain ihalo
Sa agos ng Iyong Katawan.
3
Poon, hipan Mo ng Iyong buhay,
’Spiritu ko’y nabigatan;
Buhayin nang makabahagi,
Ng tustos sa Iyong Katawan.
’Spiritu ko’y nabigatan;
Buhayin nang makabahagi,
Ng tustos sa Iyong Katawan.
4
Poon, hipan Mo ng Iyong buhay,
Mapanglaw aking ’spiritu
Pagpalain, nang matamasa
Ang yaman ng Katawan Mo.
Mapanglaw aking ’spiritu
Pagpalain, nang matamasa
Ang yaman ng Katawan Mo.
5
Poon, hipan Mo ng Iyong buhay,
Tuusin kamatayan ko,
Gayundin pagsasarili ko,
Mamuhay sa Katawan Mo.
Tuusin kamatayan ko,
Gayundin pagsasarili ko,
Mamuhay sa Katawan Mo.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?