Ang ekklesia’y Katawan

B429 C598 CB824 D824 E824 F147 G824 K598 LSM237 P378 R560 S351 T824
1
Ang ekklesia’y Katawan,
Sarili ni Kristo;
Sa Diyos Ama’y tahanan,
Samahan ng banal,
Hinalong Diyos at tao,
Hinirang pa ng Diyos;
Tinubos sa Kalbaryo
Makalangit lubos.
2
Ang muling-pagkabuhay
Ni Kristo’y nagsilang
Ng isang bagong tao
At bagong nilalang;
Sa kanya’y nagbautismo
Ang Diyos Espiritu;
Si Kristo’y kanyang buhay
Mal’walhating Ulo.
3
Siya rin ay pinabanal
Ng Salita ng Diyos,
Ang kanyang nilalaman
Ay si Kristong lubos,
Pati kanyang ugali
Katulad ni Kristo,
Lahat ng katunggali
Kanyang napasuko.
4
Ang kanyang sinaligan
Ay si Hesu-Kristo,
Lahat ng kanyang sangkap,
Walang makamundo,
Bawa’t sa kanyang sangkap,
Bahagi’y Kalbaryo;
Upang sa pagkabuhay
Sila’y maitayo.
5
Isang Diyos, isang Poon,
Espiritu Isa -
At iisang Katawan,
Pananalig isa -
Saka isang bautismo
At isang pag-asa,
Ang kanyang diwa’t buod,
Walang hindi isa.
6
Ang Diyos na tatlo-isa
Nasa loob nila,
Upang lahat ay maging
Katawang iisa,
Dahil sa pananalig
Nagkabuklod sila,
Sa pagbalik ni Hesus,
Sila’y umaasa.
7
Ang kanyang mga sangkap
Sa tanan nagmula,
Walang lipi at bansa,
Mataas at aba,
Ni malaya’t alipin,
Ni Hentil at Hudyo
Tangi lamang si Kristo,
Ang Siyang Bagong Tao.
8
Isa sa sansinukob,
Tanging iisa siya,
Nguni’t sa pagkahayag
Bawa’t pook isa,
Pamahalaa’y lokal,
Kay Kristo managot,
Ang pagsasalamuha
Ay pansansinukob.
9
Si Kristo ang ilawan,
Ilaw ang Diyos banal,
Patungan-ng-ilawan,
Ang ekklesia lokal.
Lokal niyang pagtitipon,
Tinutulad nito
Ang Bagong Herusalem
Sa bawa’t aspekto.