1
Walang palya, ’pagka’t Siya’y Diyos,
Walang palya, biyaya’y lubos;
Walang palya, nangako na,
Tayo’y may Diyos, ’nong pangamba?
Walang palya, biyaya’y lubos;
Walang palya, nangako na,
Tayo’y may Diyos, ’nong pangamba?
2
May bundok na di mapatag?
May di matawid na dagat?
Ating Diyos sagot sa lahat -
Diyos ng Imposibilidad!
May di matawid na dagat?
Ating Diyos sagot sa lahat -
Diyos ng Imposibilidad!
3
Palakol na pinalutang,
Araw na walang lubugan;
Pulang dagat naging kati,
Gawa ng Diyos na maigi.
Araw na walang lubugan;
Pulang dagat naging kati,
Gawa ng Diyos na maigi.
4
Buhangin naging hangganan,
Maalon na karagatan;
Siya ang Iyong Diyos, ano pa nga,
Sa Iyo hindi Niya magawa?
Maalon na karagatan;
Siya ang Iyong Diyos, ano pa nga,
Sa Iyo hindi Niya magawa?
5
Batid Niya Iyong suliranin
Ikaw Kanyang mamahalin;
Ating Diyos ay mahabagin,
Hibik natin ay diringgin.
Ikaw Kanyang mamahalin;
Ating Diyos ay mahabagin,
Hibik natin ay diringgin.
6
Ating Diyos ay katuwiran,
Pangako’y di ma’limutan,
Pangako Niya na kay Kristo,
Pawang Amen, pawang Oo.
Pangako’y di ma’limutan,
Pangako Niya na kay Kristo,
Pawang Amen, pawang Oo.
7
Diyos natin ay katapatan,
Tipan Niya’y may katatagan;
Sa pa’nalig humiling ka,
Salita Niya’y di matatwa.
Tipan Niya’y may katatagan;
Sa pa’nalig humiling ka,
Salita Niya’y di matatwa.
8
Walang palya ang ating Diyos
Aawit tayo nang ayos,
Anong buti ng b’yaya Niya,
’Pagkat Siya’y Diyos, walang palya!
Aawit tayo nang ayos,
Anong buti ng b’yaya Niya,
’Pagkat Siya’y Diyos, walang palya!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?