Lihim aking natutuhan

B330 Cs432 E564 P287 R462 S264 T564
1
Lihim aking natutuhan
Kay Hesus ay manahan;
Bukal ng buhay natikman,
Nang salita’y manamnam.
Nang sa dugo Niya manahan,
Lakas, tamis, nakamtan;
Sarili ko’y lubusan na
Kay Hesus nga’y nawala.
 
Sa Kanya ay manahan,
Salita’y aasahan,
Kanyang pag-ibig ang aking kublihan.
Oo, sa Kanya’y manahan,
Salita’y aasahan,
Kanyang pag-ibig ang aking kublihan.
2
Kasamang sa krus napako,
Nabubuhay di na ’ko;
Sikap ko lahat nahinto,
’Tahan Siya sa loob ko.
Sa Kanya ako’y sumuko,
Maghari Espiritu;
Bawa’t saglit Kanyang dugo,
Nililinisan ako.
3
Karamdaman, katakutan,
Maging kapighatian,
Bawa’t araw Siya’ng sabihan,
At Kanyang pinapasan.
Hininga ko’t kalakasan,
Pag-ibig at isipan,
Maging pananalig, buhay,
Sa akin Siya’ng nagbigay.
4
Sa salita at gawain
Espiritu’y gamitin;
Presensiya Niya sa ’king gawi,
Ako’y gabayan lagi.
Sa puso ko, bahagi Siya,
O bukal na sagana;
Tagapagligtas ko’t Hari,
Pangino’ng mal’walhati.