1
Walang kaparis na halaga,
Aking nasumpungan;
Aawitin ko nang masaya,
Si Kristo’y nakamtan.
Aking nasumpungan;
Aawitin ko nang masaya,
Si Kristo’y nakamtan.
2
Si Kristo’y Kordero ng Diyos,
Kaligtasan taglay,
Siya ang araw ng katuwiran
Lunas ibibigay.
Kaligtasan taglay,
Siya ang araw ng katuwiran
Lunas ibibigay.
3
Si Kristo ang puno ng buhay,
Ang bunga’y sagana,
Binusog Niya ang kagutuman,
Siya ang aking pista.
Ang bunga’y sagana,
Binusog Niya ang kagutuman,
Siya ang aking pista.
4
Si Kristo ang batong pinalo,
Tubig ay lumabas,
Siya ang bukal sa aking puso,
Uhaw ko’y nilutas.
Tubig ay lumabas,
Siya ang bukal sa aking puso,
Uhaw ko’y nilutas.
5
Siya ang liwanag, buhay, daan,
Aliw, kalusugan,
Galak, asa’t kapayapaan,
L’walhati ko’t yaman.
Aliw, kalusugan,
Galak, asa’t kapayapaan,
L’walhati ko’t yaman.
6
Siya ang lakas at karunungan,
Katubusan, husay,
Katotohanan, kabanalan,
Kat’wiran, tagumpay.
Katubusan, husay,
Katotohanan, kabanalan,
Kat’wiran, tagumpay.
7
Siya ang Tagapagligtas, Pastol,
Pangino’n, Diyos, Ama,
Tagapayo at Manananggol,
Kaibigan, at Sinta.
Pangino’n, Diyos, Ama,
Tagapayo at Manananggol,
Kaibigan, at Sinta.
8
Siya ang Pasimuno at Bantay,
Ang Guro at Ulo,
Kasintahan, Poon at Gabay,
Nasa aking puso.
Ang Guro at Ulo,
Kasintahan, Poon at Gabay,
Nasa aking puso.
9
Siya ay Propetang mapahayag.
Haring namumuno;
Saserdoteng namamagitan
Sa Diyos at sa tao.
Haring namumuno;
Saserdoteng namamagitan
Sa Diyos at sa tao.
10
Siya ang saksing tapat, totoo,
Gumawa’t sumakdal
Ng pananampalataya ko,
Garantiyang banal.
Gumawa’t sumakdal
Ng pananampalataya ko,
Garantiyang banal.
11
Siya ang tahanang walang-hanggan,
Kuta at kublihan,
Moog, lupang may kasapatan,
Tiyak kong tuntungan.
Kuta at kublihan,
Moog, lupang may kasapatan,
Tiyak kong tuntungan.
12
Siya ang Sabath at ang bagong buwan,
Aking araw’t gabi,
Panahon ko at walang hanggan,
Siyang namamalagi.
Aking araw’t gabi,
Panahon ko at walang hanggan,
Siyang namamalagi.
13
Siya ang panustos sa kailangan
At aking tiwala,
Kasiyahan at kaluguran,
Kahanga-hanga Siya.
At aking tiwala,
Kasiyahan at kaluguran,
Kahanga-hanga Siya.
14
Siya ang sumasakop sa lahat,
Kristo ko—ano pa?
Siya ang simula, Siya ang wakas,
Lahat sa lahat Siya.
Kristo ko—ano pa?
Siya ang simula, Siya ang wakas,
Lahat sa lahat Siya.
15
Kaya’t ang puso ko’y aawit,
Pagka’t aking angkin
Ang kayamanang di-malirip,
Si Kristo ay akin.
Pagka’t aking angkin
Ang kayamanang di-malirip,
Si Kristo ay akin.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?