Katulad noon, Hesus

B105 C184 CB213 E213 K184 T213
1
Katulad noon, Hesus,
Nang sa Iyo’y lumibot,
Karimlan ay bumuhos
Isip Mo’y kinubkob,
“Gawin ito” Iyong sabi,
“Ako’y alal’hanin”
Puso nami’y pupuri,
Ika’y gunitain.
2
Ang lalim ng Iyong dusa
Kay hirap tantuin,
Saro ng pagdurusa,
Ikaw ang tumikim;
At Diyos sa Iyo’y lumisan
Sa punong ’sinumpa;
Salamat nang lubusan,
Alalahanin Ka.
3
Dilim, sa Iyo’y lumibot,
Sa diwa’y nagtuon,
Sa dibdib Mo’y umikot,
Gaya’y mga alon;
Biyaya’y sumagana,
Pag-ibig, nakita;
Tuwa’t lungkot nagsama,
Maalaala Ka.
4
Nabuhay-na-muli Ka,
Panganay sa patay;
Pag-akyat Mo’y nakita,
Ulo ng Ekklesia;
Tinanggap sa biyaya,
Puso’y napalaya;
Hapis Mo’y ginunita,
Aalal’hanin Ka.
5
Mal’walhating ’dating Mo,
Kami’y tatawagin,
Nang magpahinga ako,
Sa lahat ng ningning;
Tinanghal, kamatayan,
Mapawangis nawa
Sa Iyong kamatayan
Habang nag’gunita.