Hesus Manliligtas angkin

B104 E211 T211
1
Hesus Manliligtas angkin,
Pag-ibig ng Ama’y handog,
Iyong ginawa at lahat Mo,
Ngayon parte ng puso ko.
2
Dukha, mahina, aba man,
Mal’walhati sa Iyong ngalan;
Sa Iyong dugo’y nalinisan
Sa D’yos naging katuwiran.
3
Lahat ng Iyo’y para sa ‘kin,
Aking bukal sa loob Mo,
Wala man ‘’kong kabuluhan,
Sa Iyo’y buhay lahat angkin.
4
Turuan magkubli, manahan
Sa sugatang tagiliran,
Tumatanggap ng biyaya
Hanggang mukha Mo’y makita.