Nangingibabaw Ka nga
Nangingibabaw Ka nga
1
|
Nangingibabaw Ka nga, Kay banal na Isa; Walang makagagaya, Walang katumbas Ka. Pinakabanal Ka rin, Aming tatawagin. Iyong lakas, kalikasan Lahat nalampasan. |
2
|
Bukod tangi at banal, Di lamang dalisay; Bagkus may kasakdalan, Walang kapintasan. Wala sa Iyong mai-hambing, Ni makalapit din Sa Iyo’y paglapastangan Ang Ika’y halinhan. |
3
|
Wala nang hihigit pa, Pinakamaganda; Walang maihahambing, Pinakamagaling. Nangibabaw Iyong buti, Ito’y natatangi. Ganda’y walang katulad, Lampas Ka sa lahat. |
4
|
Naibigay Mo na rin. Kabanalan sa’min Kalikasang nai’ba, Aming bahagi na. Nangibabaw gaya Mo, Magsinlikas tayo. Kabanalan ay sundin, Iyong pakabanalin. |
5
|
Nangibabaw sa lahat, Kabanalang sagad; Ano pang sasabihin, Purihin, sambahin! Kami’y nabahaginan, Ng Iyong kalikasan, Handugan Kang papuri, Namumukod-tangi. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?