Sa umaga’t hapon, magpunla ng awa

C667 E1349 F176 R149 S421 T1349
1
Sa umaga’t hapon, magpunla ng awa,
Diligan ng luha at panalangin,
Hintayin ang ani at pag panahon na,
Buong kagalakang ani ay dalhin.
 
Ani ay dalhin, ani ay dalhin!
At sa kagalakan, ani ay dalhin!
Ani ay dalhin, ani ay dalhin,
At sa kagalakan, ani ay dalhin!
2
Magpunla sa t’wina, bagyo ma’y sumapit,
Huwag katatakutan bugso ng hangin;
Di-kalalaunan, tag-ani’y sasapit,
At may kagalakang ani ay dalhin.
3
Luha ma’y tumulo tayo’y magpatuloy,
Sa Diyos lang alay pagpapagal natin;
Pagtigil ng luha, galak ang dadaloy,
At may kagalakang ani’y dadalhin.