Magpagal sa mabuting lupain

C1168 E1168 R389 S247 T1168
1
Magpagal sa mabuting lupain,
Maglinang, magtanim at magdilig
Kay Hesus magbunga realidad,
Diyos ani’y bunga ni Hesus sa ‘kin.
 
Mabuting lupain Ka
Ako ay magpagal!
Angkinin unti-unti
Nang buo’y magwagi!
Layon ng Diyos Canaan
Pagpapalain Niya
Hesus matamo Ka mismo
Angkin Persona Mo.
2
Puso’y takdang magpagal kay Hesus,
Sinimulang gawa’y walang sayang,
Sa pagpagal lubhang pakinabang ,
Dahil ang Diyos ang Siyang nagpaulan.
3
Bawa’t araw magpagal kay Hesus-
Sa ‘spiritu Salita’y dasalin;
Buhay na pagpapahid N’ya’y sundin
Maitayo, ekklesia’y tamuhin.
4
Kay Hesus gawa’y may katunayan,
Makita pulong ng kapuspusan;
Doon Diyos at tao nasiyahan,
Presensya ng Diyos di matanggihan.
5
Sa paggawa’y Hesus Siya’y dumami!
Sa bahay ng Diyos yaman ay dalhin
Magpista sa yaman ng pagkain,
Mangangagalak sa Panginoon!