Ngayon ang Diyos-Trinidad ay dumating
Ngayon ang Diyos-Trinidad ay dumating
1
|
Ngayon ang Diyos-Trinidad ay dumating Upang manahan sa lo’b natin, Bilang kamangha-manghang Espiritu Nagbibigay-buhay sa atin. |
Siya’ng nasa atin na Espiritu, Espiritung kamangha-mangha! Ang Diyos ay nasa Anak, ang Anak ay Espiritung kamangha-mangha! |
|
2
|
“Abba Ama” ang sigaw nagmula sa Espiritung kamangha-mangha, Na siyang Espiritu ng Anak tunay Sa atin nagbibigay-buhay. |
3
|
Ang Panginoong Hesu-Kristo ngayon Nabubuhay sa loob natin. Nagbagong-anyo bilang Espiritu, Kaya natatamasa natin. |
4
|
’Spiritu ng realidad narito, Nasa loob ng spiritu ko. Malinaw at tunay bagay ni Kristo, Dahil sa nana’hang ’Spiritu. |
5
|
Itong kaloob ay ating gisingin, Kamangha-manghang Espiritu. “O Panginoong Hesus” ’ting tawagin, Ang espiritu’y mapalukso! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?