1
Sa krus ako’y idulog,
Nang mapagaling Mo,
Naglulunas na daloy,
Galing sa Kalbaryo.
Nang mapagaling Mo,
Naglulunas na daloy,
Galing sa Kalbaryo.
Nasa krus, nasa krus,
Ang luwalhati ko;
Di na mahihiwalay
Krus sa kalulwa ko.
Ang luwalhati ko;
Di na mahihiwalay
Krus sa kalulwa ko.
2
Sa Iyong krus nakatamo,
Pag-ibig at awa;
Sa aki’y sininag Mo
Ningning ng Iyong tala.
Pag-ibig at awa;
Sa aki’y sininag Mo
Ningning ng Iyong tala.
3
Ako’y dalhin sa tagpo
Ng Iyong pagkapako!
Tulungan ang lakad ko
Sa lilim ng krus Mo.
Ng Iyong pagkapako!
Tulungan ang lakad ko
Sa lilim ng krus Mo.
4
Malapit sa krus, ako
Sa Iyo’y maghihintay,
Nang makita’ng mukha Mo,
Di muling mawalay.
Sa Iyo’y maghihintay,
Nang makita’ng mukha Mo,
Di muling mawalay.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?