Kay Hesus tumingin ka

C720 E1036 K720 T1036
1
Kay Hesus tumingin ka,
Tingnan Siya’t mabuhay!
Tingnan Kanyang ginawa,
Mabuhay!
Itinaas sa puno,
Tingnan Siya’t mabuhay!
Pakinggan, “Tingnan Ako!”
Mabuhay!
 
Poon itinaas na,
Nang mabuhay tingnan Siya;
Ba’t kailangang mamatay?
Mabuhay!
2
Masama ka’t marumi,
Tingnan Siya’t mabuhay!
H’wag tingnan ang sarili,
Mabuhay!
Alipin ng dyablo no’n,
Tingnan Siya’t mabuhay!
Maging malaya ngayon,
Mabuhay!
3
Malaong lumaboy ka,
Tingnan Siya’t mabuhay!
Puso palambutin na,
Mabuhay!
Nais Niyang bumalik ka,
Tingnan Siya’t mabuhay!
Ba’t ka pa mag-antala?
Mabuhay!