Luma’t Bagong Tipang Biblia

C778 CB980 E980 K778 P498 R499 S457 T980
1
Luma’t Bagong Tipang Biblia
Banal sagisag dalawa,
Nobya Kanyang kinalugdan.
Bahay Kanyang mapagtirhan.
2
Ang sagisag ng ekklesia
Sa Lumang Tipa’y dalawa,
Nobya bilang kapareha;
Bahay nang makapahinga.
3
Bayan ng Diyos noong una,
Turing ng Diyos ay asawa;
May templong tahanang Kanya,
May lunsod pinamahala.
4
Naging laman, Diyos-tao Siya
Nobyo pakasal sa nobya;
Kanyang muling-’sinilang siya,
Nang maging kapareha Niya.
5
Nabuhay-na-muling Kristo’y
Salomong nagtayong templo;
Nang Diyos may mapahingahan,
Layon Niya’y may katuparan.
6
Nobya ni Kristo’y ekklesia,
Kanyang lugod at pahinga;
Bahay ng Diyos ang ekklesia,
Kahayaga’t tirahan Niya.
7
Ang Bagong Herusalem nga
Binuo ng bahay, nobya;
Siya’y sukdulang kaganapan,
Hangad ng Diyos nasiyahan.
8
Nobyang kay Kristo’y tumugma,
Angkop na kahayagan Niya;
Tabernakulo rin ng Diyos,
’Pamahalaan Niyang lubos.
9
Napasukdol na kumpleto,
Gawain ng Diyos sa tao;
Kahayagang lubos ng Diyos,
Walang hanggan na at puspos.