Poon anong nagpatungo

B73 C84 E94 K84 T94
1
Poon anong nagpatungo,
Sala nami’y sa Iyo?
Tayo mo’y bilang salarin.
Sala Iyong pasanin:
Bilang hain nagdugo Ka.
Ako’y napalaya!
2
Puno ng sumpa, ’king saro,
Dapat bahagi ko;
Bawa’t pait Iyong inubos
Para sa ’king lubos.
Saro ng kapaitan Iyo,
Pala bahagi ko.
3
Panghampas ng Diyos Ama Mo
O sa Iyo dumapo!
Nang di ako parusahan,
Ikaw ang sinaktan.
Mahal Mong dugo umagos
Nang ako’y matubos.
4
Mabangis na hangi’t alon
Sa Iyo’y sumulong;
Dibdib Mo’y aking kanlungan,
Akin ding kublihan.
Kapayapaan natamo
Dahil sa dusa Mo.
5
Tabak inutos ng Ama,
O, sa Iyo’y tumama!
Talim sa puso’y tumagos,
Dugo mo’y umagos.
Hiling ng Diyos Iyong natupad
Tigil na ang tabak.
6
Namatay Ka para sa ’kin,
Sa lo’b Mo’y patay rin
Nabuhay Ka, pinalaya,
Sa lo’b ko buhay Ka.
Ma’dalisay, matransporma,
Tungo sa Iyong glorya!