Aming kalasag, Tagapagtanggol sa

1
Aming kalasag, Tagapagtanggol sa
Kaaway, di mag-isang lalaban,
Sa Iyong lakas, magiliw na pag-ingat
Tiwala’t yayaon sa Iyong ngalan.
2
Iyong Ngalan Kapitan ng kaligtasan
Higit sa lahat mahal Mong Ngalan.
Hesus tiyak na pundasyon, Katwiran
Prinsipe at hari ng pag-ibig.
3
Manalig magpatuloy mahina man
Bawat araw biyaya’y malaman
Sigaw ng puso’y awit ng tagumpay
Tiwala’t yayaon sa Iyong ngalan.
4
Aming Kalasag at Tagapagtanggol
Sa Iyong labanan pupurihin Ka
Mga nagtagumpay ay maghahari
Hanggang wakas sa Iyo ang tiwala.