Tuwing tayo’y magpupulong

B462 C624 CB864 E864 F164 G864 K624 P404 R622 S391 T864
1
Tuwing tayo’y magpupulong,
Kasaganaan ay dalhin;
Upang Panginoo’y matanghal,
Sa Kanya’y ihain.
 
Si Kristo’y itanghal,
Si Kristo’y itanghal,
Dalhin ang kasaganaan
Sa ekklesia lokal.
2
Nabubuhay, gumagawa,
Gabi at araw kay Kristo;
Upang ating maitanghal Siya
Magkaisa tayo.
3
Sa ating buhay at gawa,
Si Kristo ang lama’t diwa;
Upang sa muling pagpupulong,
Ay maitanghal Siya.
4
Sa pagpupulong ay dalhin,
Kristo sa ating Diyos mahal;
Siya’y ipamahagi sa lahat,
Upang Siya’y matanghal.
5
Kristong nabuhay-na-muli,
Ating dalhin sa Diyos Ama;
Upang ang Diyos ay masiyahan,
At maitanghal Siya.
6
Ang realidad at sentro,
Paglilingkod, atmospero;
Sa lahat nating pagpupulong
Itanghal si Kristo.
7
Ang dalangin, testimonia,
Paggamit ng kaloob Niya;
Sa ating pagsasalamuha,
Dapat matanghal Siya.
8
Ama natin l’walhatiin,
’Tinaas Anak na Kristo;
Ang layunin ng pagpupulong:
Itanghal si Kristo.