PAPURI SA PANGINOON—SA KANYANG BUHAY

B70 C77 CB86 E86 F18 G86 K77 R68 S50 T86
1
Kahit Diyos Kang nasa glorya,
Sa laman sa ‘min dumating
Tao Kang nagpakababa;
Alaala Kita.
2
Dibinong glorya’y tinabi
Sa laman pinanatili,
Walang masilayang ganda;
Alaala Kita!
3
Ugat Ka sa tuyong lupa,
Tao Ka ng kapanglawan,
Hinamak, kinamuhian;
Alaala Kita!
4
Magiliw, mababa’ng puso,
Lahat handa Kang magdusa,
Walang daing sa Diyos, tao;
Alaala Kita!
5
Taong magiliw, matimyas,
Ika’y  balanse, kumpleto
Sa Ama’y pagkaing-handog
Alaala Kita!
6
Gantimpala Mo ay gawin
Ang kalooban ng Ama
Kay tapat at kay dunong Ka;
Alaala Kita!
7
Sa kalooban ng Diyos Ka
Handang sumunod, mamatay,
Ang krus sa ‘kin nababagay,
Alaala Kita!
8
Kaya tinaas Ka ng Diyos
Glorya’t, dangal binigyan Ka;
Luluhod langit at lupa
Sasambahin Kita!