1
Kristo’t Kanyang mapanubos na gawa,
Nagligtas sa nananampalataya.
Ibang doktrina’y wala na sa kredo
Pansinin gawa’t persona ni Kristo.
Nagligtas sa nananampalataya.
Ibang doktrina’y wala na sa kredo
Pansinin gawa’t persona ni Kristo.
2
Turong ginagamit nang hindi tama,
“Doktrinang hangin” pagkai-sa sinira
Banal hinipang palayo sa Ulo
Katawa’y pininsala di matayo.
“Doktrinang hangin” pagkai-sa sinira
Banal hinipang palayo sa Ulo
Katawa’y pininsala di matayo.
3
Kaya bitiwan lahat ng doktrina
Panghawakan kredo ng pagkakai-sa.
Sa Pangino’ng ’Spiritu tayo’y isa,
Pagkai-sa lamang, iba’y bitiwan na.
Panghawakan kredo ng pagkakai-sa.
Sa Pangino’ng ’Spiritu tayo’y isa,
Pagkai-sa lamang, iba’y bitiwan na.
4
Hawakan katotohanan—si Kristo,
Mapalaya sa mga sekta tayo,
Lumago tungo kay Kristo na Ulo,
Kapuspusan ng Katawan matamo.
Mapalaya sa mga sekta tayo,
Lumago tungo kay Kristo na Ulo,
Kapuspusan ng Katawan matamo.
5
Pagkai-sa sa pananalig abutin,
“Hangin ng pagtuturo” h’wag pansinin;
Realidad nati’y Kristong ’Spiritu
Hawakan nang Katawa’y mapalago.
“Hangin ng pagtuturo” h’wag pansinin;
Realidad nati’y Kristong ’Spiritu
Hawakan nang Katawa’y mapalago.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?