Pagkakai-sa ng ekklesia’y

C600 CB831 E831 G831 K600 R378 S353 T831
1
Pagkakai-sa ng ekklesia’y
Banal ’sang pamumuhay;
Pagkakai-sa nilagak ng
’Spiritung nananahan.
’To’y pag’kai-sa ng ’Spiritu,
Mga banal nagtamo
Batay sa pangkalahatang
Pananampalataya.
2
Binuo ni Kristo Hesus
Ang gawaing mapanubos
Mahalagang pananalig,
Banal at bukod-tangi.
Dito banal nagkaisa
Nagsang-ayunan sila,
Gayong panampalataya,
Napairal ekklesia.
3
Sa sansinukob iisa,
Mana Niya’ng ekklesia;
Dapat lokal na ekklesia
Sa kahayaga’y isa
Diyos, Poon, ’Spiritu’y isa
El’mento’y pawang isa
Panalig, bautismo, Kat’wan,
Pag-asa’y isang tanan.
4
Pagkai-sa’y lupang-batayan,
Batayang tinayuan;
Pagkai-sa lamang ang gusto
Ng Espiritu Santo
Sa pagkai-sa makagawa,
Nang tunay ang ekklesia
Maitayong walang hadlang
Lokal Niyang kahayagan.
5
Poon, panatilihin Mo,
Pagkai-sa sa ’spiritu;
Lupang-batayan tayuan,
Danasin ang Katawan.
Nang dakila Mong naisin,
Lubusan Mong tamuhin
Nang walang hanggang layon Niya.
Mai-sakatuparan na.