1
Panalig ng mga ama,
Buhay sa gitna’ng dusa;
Maging apoy man o tabak,
Panampalataya’y tiyak.
Puso umapaw sa galak,
Hanggang mamatay ay tapat!
Buhay sa gitna’ng dusa;
Maging apoy man o tabak,
Panampalataya’y tiyak.
Puso umapaw sa galak,
Hanggang mamatay ay tapat!
2
Kahit ama’y nabilanggo,
Malaya ang budhi’t puso.
Tadhana ng mga supling,
Magiging pagpapala rin;
Basta sa panalig tapat,
Kamatayan ma’y kaharap.
Malaya ang budhi’t puso.
Tadhana ng mga supling,
Magiging pagpapala rin;
Basta sa panalig tapat,
Kamatayan ma’y kaharap.
3
Panalig ng mga ama,
Sa iyo tao’y mapadala;
Mula sa Diyos katot’hanan,
Tao’y ’bigyang kalayaan.
Panampalatayang banal,
Sa iyo’y tapat hanggang mam’tay.
Sa iyo tao’y mapadala;
Mula sa Diyos katot’hanan,
Tao’y ’bigyang kalayaan.
Panampalatayang banal,
Sa iyo’y tapat hanggang mam’tay.
4
Panalig ng mga ama,
Tanang tao’y aming sinta,
Aming ipahahayag ka,
Sa salita man o gawa;
Hanggang kamatayan kami’y
Sa iyo maging tapat lagi!
Tanang tao’y aming sinta,
Aming ipahahayag ka,
Sa salita man o gawa;
Hanggang kamatayan kami’y
Sa iyo maging tapat lagi!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?