1
Manahimik aking kaluluwa,
Maghintay ka bago magsalita;
Tunay mong dasal Siyang may umpisa,
Ika’y daluyan nang mahayag Siya.
Maghintay ka bago magsalita;
Tunay mong dasal Siyang may umpisa,
Ika’y daluyan nang mahayag Siya.
2
Manahimik aking kaluluwa,
Maghintay sa Kanyang pag’salita.
Matutong talikdan isipan mo
Layon Niya matupad sa dasal mo.
Maghintay sa Kanyang pag’salita.
Matutong talikdan isipan mo
Layon Niya matupad sa dasal mo.
3
Manahimik aking kaluluwa,
Maghintay sa Kanyang pag’salita;
Bitiwan iyong balak, huwag mamili,
Nais lamang Niya ang di itabi.
Maghintay sa Kanyang pag’salita;
Bitiwan iyong balak, huwag mamili,
Nais lamang Niya ang di itabi.
4
Manahimik aking kaluluwa,
Maghintay sa Kanyang pag’salita;
Puso mo sa ’spiritu isuko,
Nang maging masunuring ministro.
Maghintay sa Kanyang pag’salita;
Puso mo sa ’spiritu isuko,
Nang maging masunuring ministro.
5
Manahimik aking kaluluwa,
Maghintay sa Kanyang pag’salita’
Matutong sa ’spiritu’y mahalo,
Nang Diyos mahayag sa dalangin mo.
Maghintay sa Kanyang pag’salita’
Matutong sa ’spiritu’y mahalo,
Nang Diyos mahayag sa dalangin mo.
6
Mananahimik aking kaluluwa,
Maghintay sa Kanyang pagtutugma;
Buong katauhan mapasuko,
Sa wangis ng Anak ay lumago.
Maghintay sa Kanyang pagtutugma;
Buong katauhan mapasuko,
Sa wangis ng Anak ay lumago.
7
Manahimik aking kaluluwa,
Maghintay sa Kanyang pag’palaya;
Lahat ng salita at gawa mo,
Katuparan ng nais Niya sa iyo.
Maghintay sa Kanyang pag’palaya;
Lahat ng salita at gawa mo,
Katuparan ng nais Niya sa iyo.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?