Kay Hesus ka manalangin
Kay Hesus ka manalangin
1
|
Kay Hesus ka manalangin, Mukha Niya ay hanapin; Salita Niya ay iyong dinggin, Sa lihim Siya’y hintayin. |
Kay Hesus ka manalangin, Mukha Niya ay hanapin; Salita Niya ay iyong dinggin, Sa lihim Siya’y hintayin. |
|
2
|
Kay Hesus ka manalangin, Sa mukha’t pusong bukas; Lagi sa Kanya tumingin, Tapat, tunay, at wagas. |
3
|
Kay Hesus ka manalangin, Manalig sa paghanap; Ang Espiritu’y hipuin, Mapitagan, masikap. |
4
|
Kay Hesus ka manalangin, Tunay’t sa espiritu, Alinsunod sa damdamin, Ayon sa espiritu. |
5
|
Kay Hesus ka manalangin, Taimtim kang makinig; Layon Niya sa iyo itanim, Tupdin mo Kanyang ibig. |
6
|
Kay Hesus ka manalangin, Magbabad sa liwanag; L’walhati Niya’y palagusin, Sa iyo Siya’y maaninag. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?