Daan ng Krus ay sakripisyo

B374 C462 CB630 E630 G630 K462 R422 S296 T630
1
Daan ng Krus ay sakripisyo,
Ihandog lahat sa Diyos,
Sa dambana ilatag ang lahat mo—
Tutupuking lubos.
Tatahakin mo ba? Ito’y daan ng Krus!
Papasanin mo ang Krus kaya?
Ikaw na nag-alay lahat sa Diyos,
Sa Diyos ay tapat ka ba?
2
Sa awit at dalangi’y handa
Magbigay nang lubusan;
Nguni’t mas mabigat ang Krus ng dusa,
At hirap sa daan.
3
Maging lilo ka o matapat,
Mamatay at mawalan,
Managana ang buhay ni Kristo at
Ika’y mapuspusan?
4
Dapat mamatay nang mabuhay,
Kaisa mo si Kristo
Sa kamatayan at sa Kanyang buhay,
Siya’ng ipahayag mo.
5
Hindi bali ang lugi, tubo,
Lay’nin ng Diyos ingatan,
Ituring ang lahat na sukal sa iyo,
Di Siya mahadlangan.