1
Ngalang masamyo, parang unggwento;
Pagsinta’y mainam kaysa alak;
Di-matanggihan ang pag-akit Mo,
Landas ng kawan ang tinatahak.
Pagsinta’y mainam kaysa alak;
Di-matanggihan ang pag-akit Mo,
Landas ng kawan ang tinatahak.
2
Siya ang Sinta ko, ako’y irog Niya;
Akitin Niya ’ko, Siya’y hahabulin;
Sa dibdib ko Siya’y tulad ng mira,
At Siya’y alhena aking daramtin.
Akitin Niya ’ko, Siya’y hahabulin;
Sa dibdib ko Siya’y tulad ng mira,
At Siya’y alhena aking daramtin.
3
Tamasahin ang katabaan Niya,
At katamisan sa Kanyang yapos;
Watawat panaklob, pagsinta Niya,
Ginagalak ang puso kong lubos.
At katamisan sa Kanyang yapos;
Watawat panaklob, pagsinta Niya,
Ginagalak ang puso kong lubos.
4
Ang Sinta ko’y akin, ako’y Kanya;
Lila ako at Siya’y aking Pastor;
Lumamig araw, lilim mawala;
Batang usa Siya sa bundok Bether.
Lila ako at Siya’y aking Pastor;
Lumamig araw, lilim mawala;
Batang usa Siya sa bundok Bether.
5
Mira ng kamatayan, kamangyan
Ng pagkabuhay—tigmakin ako;
Gising, hanging hilaga’t timugan,
Kalugdan Niya ang halamanan ko.
Ng pagkabuhay—tigmakin ako;
Gising, hanging hilaga’t timugan,
Kalugdan Niya ang halamanan ko.
6
Tulad ng kalapati ang ganda,
Kadalisayan tulad ng lila;
’Ko’y Kanyang tuwa ng mga tuwa,
Aking Awit ng mga awit Siya.
Kadalisayan tulad ng lila;
’Ko’y Kanyang tuwa ng mga tuwa,
Aking Awit ng mga awit Siya.
7
Tulad ng buwan, ako’y kawangis Niya;
Wagas tulad ng bikas Niyang araw;
Ako’y Kanya, kinalulugdan Niya;
Sa akin, buhay Niya’y matatanaw.
Wagas tulad ng bikas Niyang araw;
Ako’y Kanya, kinalulugdan Niya;
Sa akin, buhay Niya’y matatanaw.
8
Buhay Kita, ako’y Iyong larawan;
Parang kamatayan ang pagsinta -
Malakas, di-mapawi’t mapal’tan;
Dar’ting Ka sa bundok ng espesya.
Parang kamatayan ang pagsinta -
Malakas, di-mapawi’t mapal’tan;
Dar’ting Ka sa bundok ng espesya.
Ang alhena ay halamang pinahahalagahan sa kanyang mahalimuyak na
dilaw at puting bulaklak. (Awit ng mga Awit 1:14)
dilaw at puting bulaklak. (Awit ng mga Awit 1:14)
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?