Ika’y nasa laman noon

C369 CB491 E491 G491 K369 P228 R340 S205 T491
1
Ika’y nasa laman noon,
Mababaw na nakilala;
Bilang Espiritu ngayon,
Malalim sa ’king unawa.
2
Sa laman, Manunubos ko,
Sa labas ang pakitungo;
Taga-aliw na ’Spiritu
Sa loob nakaisa ko.
3
’Spiritu sa ’king ’spiritu
Naghahayag, nananahan;
Presensiya at Persona Mo
Naging makatotohanan.
4
Mga alagad no’ng una
Ay kasama Mong namuhay,
Nguni’t di hihigit sila
Sa pagkilala kong tunay.
5
Panginoong Espiritu
Sa loob ko’y nananahan;
Di nakita ni nahipo,
Nguni’t aking kaibigan.
6
Espiritung nananahan
Tumutustos ng kat’wiran,
Kabanalan, katubusan,
Pamumunga, karunungan.
7
’Spiritu sa ’king ’spiritu,
Ika’y naging kaisa ko;
Bawa’t sandali ay ako,
Palagi ring Ikaw Mismo.