O Hesus nang nasa lupa Ka
O Hesus nang nasa lupa Ka
1
|
O Hesus nang nasa lupa Ka, Mga tapat sinamahan Ka; Tila ba kilala Ka nila, Nguni’t di Ka nila naunawa. |
2
|
Narinig nila ang Iyong tinig, Di malimot anyong makisig; Sa Iyo nagsiksik at nagtitig, Nguni’t sino Ka di nila batid! |
3
|
Kami’y may tabing tulad nila; Tila sa labas kilala Ka; Nguni’t sa Iyong pagkakilala Di na maaninag, malabo pa! |
4
|
Ngayon nasa ’Spiritu Ka na, Naging ibang Taga-aliw pa; Sa ’kin in’hayag sarili Mo, Yamang dumating Ka sa Iyong templo. |
5
|
Kapunuin ng Espiritu, Bawa’t sulok ng kalulwa ko; Bawa’t bahagi’y Iyong hipuin, Bigyang inspirasyon at baguhin. |
6
|
Nagpahayag ang Espiritu, Ng Iyong sarili sa ’king puso; Di man makita ng ’king mata, Subali’t sa aki’y totoo Ka! |
7
|
Sa Iyong habag ’pinahayag Mo, ’Binigay sa ’min Sarili Mo; Sa mundo, sinong mas totoo, Mas tapat at mas tunay kaysa Iyo? |
8
|
Iyong ’Spiritu sa ’king ’spiritu, Paapawin sa ’kin nang husto; Nang bawa’t bahagi’y mapuspos, Bawa’t sulok may Kristo at may Diyos. |
9
|
Itong buhay ga’nong katalik, Nagkahalo ang lupa’t langit; Iyong presensiya puspusan kami; Buhat sa puso sa Iyo’y pupuri! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?