Ama, sinta Mo’y kay lalim

B4 E4 T4
1
Ama, sinta Mo’y kay lalim,
Hatid ang pagtubos sa ’min,
Nakaluhod sa Iyong harap
Kami’y bigyan Iyong patawad.
2
Anak, Verbong naging tao,
Saserdote, Pangino’n ko,
Propeta at Manunubos,
Biyaya Mo ay ibuhos.
3
Espiritu, Iyong hininga
Ibinangon ang kalul’wa,
Mula sala’t kamatayan;
Binigyang kapangyarihan.
4
Ama, Anak, Espiritu,
Ang Pagka-Diyos ay misteryo;
Buhay, biyaya’t patawad.
Sa amin ay Iyong igawad.