Kagila-gilalas, Ama

B32 C30 CB32 E32 G32 K30 R27 S22 T32
1
Kagila-gilalas, Ama
Iyong pag-ibig sambahin Ka!
Ang tao’y Iyong inalala
Binuhusan ng biyaya!
2
Purihin Ka sa layon Mo,
Nang tao’y makawangis Mo;
Iyong buhay, likas siya’y punan.
Mahayag niya Iyong larawan.
3
Nilikha sa Iyong larawan,
At awtoridad ’binigyan;
Buhay Mo siya’y dinulutan,
Yaman Mo’y katamasahan.
4
Ang layunin Mo sa tao,
Makapasok, maihalo;
Nang matransporma ang tao,
Iyong tahanan maitayo.
5
Kahit natisod ang tao,
Di Mo iniwan layon Mo;
Nahayag sa pagtubos Mo,
Ang pag-ibig at dunong Mo.
6
Nahayag sa lo’b ni Kristo
Na katubusa’y binuo;
Sa ’Spiritu pumasok Ka,
Bilang buhay at biyaya.
 
7Kabanal-banalang dako,
Ang akin ngang espiritu;
Luklukan din ng biyaya
Ika’y makasalamuha.
8
Mula sa trono ng b’yaya,
Agos tulad ng ilog Siya
Sa pagdaloy natransporma
Nang maitayong bahay Niya.
9
Biyayang walang kahambing,
Kaloob dinulot sa ’min;
Pag-ibig Mo’y kay dakila,
Salamat, masasamba Ka.