Mapapatid taling pilak

C249 CB316 E316 K249 T316
1
Mapapatid taling pilak,
Awit ko’y maghuhumpay na;
Nang magising, anong galak,
Hari ko’y aking makita.
 
Ako at Siya’y magpangita,
Awitin kong biyaya Niya;
Ako at Siya’y magpangita,
Awitin kong biyaya Niya.
2
Panlupang bahay guguho,
Di ko alam kung kailan;
Nguni’t ako ay tutungo
Sa matamis Niyang harapan.
 
Ako at Siya’y magpangita,
Awitin kong biyaya Niya;
Ako at Siya’y magpangita,
Awitin kong biyaya Niya.
3
Sa araw ng Kanyang dating,
Matapos din ang paggawa;
Aniya, “Tapat na alipin,”
Pahinga’y matatamasa.
 
Ako at Siya’y magpangita,
Awitin kong biyaya Niya;
Ako at Siya’y magpangita,
Awitin kong biyaya Niya.
4
Kaya’t ako’y naghahanda,
Nagpupuyat, may ilawan;
Sa araw ng pagkikita,
Presensiya Niya’y walang hanggan.
 
Ako at Siya’y magpangita,
Awitin kong biyaya Niya;
Ako at Siya’y magpangita,
Awitin kong biyaya Niya.