Bangon, ’king kalul’wa

CB300 Cs248 E300 P161 R358 S144 T300
1
Bangon, ’king kalul’wa,
Al’sin, takot, sala;
Ang nagdugong hain,
Para nga sa akin.
Sa trono aking garant’ya,
Ngalan ko’y nasa palad Niya.
2
Buhay Siyang palagi
Namagitan sa ’kin;
Pagsintang nagtubos
Dugo Niya’y ’binuhos.
Dugo’y para sa lahat nga,
Winis’kan trono ng b’yaya.
3
Limang sugat tamo,
Buhat sa Kalbaryo;
Maging ang dalangin,
Mabisa sa akin.
Ang hiyaw: patawarin siya
’Ligtas, natubos maysala.
4
Nakinig ang Ama
Sa panalangin Niya;
Di Niya matanggihan
Kanyang pinahiran.
’Spiritu tumugong lubos,
Ako nga’y ’sinilang ng Diyos.
5
Ipinagkasundo,
Patawad natamo;
Ako’y kinilala
Anak walang duda.
Dumulog nang may tiwala
Isigaw ko: Abba Ama!