Sa ’spiritu ’pinanganak

C220 CB271 E271 G271 K220 P147 R311 S130 T271
1
Sa ’spiritu ’pinanganak,
Nang sa Diyos maging anak;
’Spiritu ng Diyos natamo,
’Nahan sa ’spiritu ko.
Mas dapat ko Siyang tamuhin,
Nang ako’y Kanyang pun’in;
’Spiritu ako’y puspusin,
Buhay pasaganahin.
2
’Spiritu Santo nasa ’kin,
Spiritu ng buhay rin;
Nang sagana’y matamasa,
Sa kung ano nga Si-ya.
’Spiritu aking kailangan,
Lakas sa kataasan,
Nang sa Kanya’y masangkapan,
Ikaw mapaglingkuran.
3
Bautismuhan ng ’Spiritu,
Bihisan ng lakas Mo;
Sa “balaba” ng lakas Mo,
Kaaway Mo’y matalo.
Dilang apoy kami’y bigyan,
Hangin Mo kami’y hipan,
Maging saksing pinahiran,
Puso Mo’y masiyahan.
4
May lakas na ng ’Spiritu,
Kaloob kailangan ko;
Nang makapagpangsyon ako,
Kasama ng sangkap Mo.
Sa pagbuhos ng ’Spiritu,
Kaloob bigyan ako;
Nang Katawan Mo’y matayo,
Bunga ng pag’pala Mo.
5
Para sa glorya’t kahar’an,
Katawan Iyong pakinggan;
Tugunan lahat na hiling,
Matupad Iyong layunin.
Mayaman akong puspusin,
Espiritu’y gamitin;
Sa loob at labas pun’an,
Kaloob bahaginan.