1
Ikaw lahat ng hain,
Handa para sa ’min;
May glorya’t katamisan,
Nitong kahulugan.
Tinupad layon ng Diyos,
Nilugod Siyang lubos;
Sapat sa ’ming kailangan,
Walang kakulangan!
Handa para sa ’min;
May glorya’t katamisan,
Nitong kahulugan.
Tinupad layon ng Diyos,
Nilugod Siyang lubos;
Sapat sa ’ming kailangan,
Walang kakulangan!
2
Handog na susunugin,
Sa apoy tupukin;
Sa Diyos samyong matamis,
Tupdin Kanyang nais.
Iyong pinangalagaan,
Kanyang kagustuhan;
Sarili Mo’y hinain
Sa Diyos ay pagkain.
Sa apoy tupukin;
Sa Diyos samyong matamis,
Tupdin Kanyang nais.
Iyong pinangalagaan,
Kanyang kagustuhan;
Sarili Mo’y hinain
Sa Diyos ay pagkain.
3
Handog na pagkain Ka,
May langis, kamangyan
Banal, pino at sakdal
Punong katamisan.
Kapayapaan gawin,
Pampayapang hain;
Kasama ng Diyos kami,
Sa Iyo bumahagi.
May langis, kamangyan
Banal, pino at sakdal
Punong katamisan.
Kapayapaan gawin,
Pampayapang hain;
Kasama ng Diyos kami,
Sa Iyo bumahagi.
4
Sa kasalanang hain
Naging sala Ka rin,
Namatay Ka’t tinupad
Katubusang tapat.
Handog sa pagkasala
Pinasan ’ming sala
Kat’wiran sinagot Mo
Patawad natamo.
Naging sala Ka rin,
Namatay Ka’t tinupad
Katubusang tapat.
Handog sa pagkasala
Pinasan ’ming sala
Kat’wiran sinagot Mo
Patawad natamo.
5
Niluglog na alay
Binuhay sa patay;
Hades at kamatayan
Napagtagumpayan.
Naitaas na hain,
Umakyat-sa-langit;
Panlangit na pagkain
Ako ay busugin.
Binuhay sa patay;
Hades at kamatayan
Napagtagumpayan.
Naitaas na hain,
Umakyat-sa-langit;
Panlangit na pagkain
Ako ay busugin.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?