Pangino’n, Anak Ka ng Diyos

C164 CB188 E188 K164* P96 R136 S86 T188
(Ang himnong ito ay maaaring paikliin sa pamamagitan ng pag-awit ng mga sumusunod na saknong: 1, 2, 7, 9, 11, 14, 17, 21 at 22
kaya ito lamang ang mga saknong na isinalin.)
1
Pangino’n, Anak Ka ng Diyos,
Kahayagan Niyang lubos;
Sa lo’b Mo, sa amin ang Diyos
Nagsalita nang lubos.
2
Ang tatak ng larawan Niya,
Ningning ng Kanyang glorya;
Sa Iyo salaysay Niya’y buo,
Aming Diyos, Ikaw Mismo.
7
May kalikasang pantao,
Ika’y tunay na Tao;
Kamatayan Iyong tinikman,
Nang likas Mo’y makamtan.
9
Sa kamatayan ang dyablo,
Iyong nilipol, tinalo.
Pinalaya sa gapos niya,
Mga inalipin niya.
11
Gaya ng tagapagtayo,
Si Moises hinigtan Mo,
Apostol Kang mula sa Diyos,
Kal’walhatian Iyong lubos.
14
Si Aaron hinigtan Mo,
Handog Ikaw na Mismo;
Pumasok sa kalangitan,
Na kabanal-banalan.
17
Ginawa nga dugong mahal
Lalong mabuting tipan;
Isang Bagong Testamento
Para sa tinubos Mo.
21
Tagapagsakdal, Maykatha
Ng pa’nampalataya,
Sa Iyo kami’y tumalima
Sa panalig, pagsinta.
22
Hindi Ka mapaparisan,
Ikaw ang kayamanan;
Lampas sa sukat pantao,
Perpekto Ka’t kumpleto.