Ama kong Diyos kay tapat Mo

B18 C14 CB18 E18 G18 K14 P16 R193 S12 T18
1
Ama kong Diyos kay tapat Mo
At maaasahan;
Sangnilikha’y patotoo
Ng Iyong katapatan.
 
Katapatan Mong kay tatag!
Dapat Kang sambahin;
Sa langit ito’y natatag,
Laging laan sa akin.
2
Sa Iyo walang pagbabago
Ni pag-iiba man;
Noon, ngayon, ay pareho
At magpakailanman.
3
Salita Mo’y di makaltas,
Tapat na tulad Mo;
Langit at lupa’y lilipas,
Salita Mo’y buo.
4
Pagtawag at kaloob Mo
Di pinagsisihan;
Ang biyaya at habag Mo
Tulad sa Iyong ngalan.
5
Iyong Salita’t katapatan
Aking katibayan,
Sampon ng Iyong kaligtasan
Buong katiyakan.
6
Kahit Kita’y pagliluhan,
Ika’y tapat pa rin;
Sarili Mo’y di talikdan,
Salita’y tutupdin.
7
Pangakong mapagbiyaya
Tutupdin Mong lahat;
At aking natatamasa,
Kay tamis, kay tapat.
 
Bahaghari sa luklukan,
Hayag katapatan;
Patunay na walang hanggan
Sa banal na bayan.