Panginoon, Ika’y Nobyo
Panginoon, Ika’y Nobyo
1
|
Panginoon, Ika’y Nobyo, Hirang ng Diyos, mahal ko; Hesus, Iyong Sarili Mismo, Inakit ang puso ko. |
2
|
Amin Kang hinahangaan, Sa Iyong kahalagahan, Kay lalim ng pag-ibig Mo, Higit sa natatanto. |
3
|
Ang kagandaha’t tamis Mo Sa lahat Ika’y lalo; Mapagmahal at maamo, Ganap Ka’t buung-buo. |
4
|
Damit Mo’y lipos ng mira, Bibig Mo’y mabiyaya, Sa samyo ng pagdurusa, Pag-ibig Mo’y nadama. |
5
|
Sa langis ng kagalakan Ikaw ay pinahiran At sa mga kapulungan Ikaw ay parangalan. |
6
|
Ika’y pinagpala ng Diyos, Nagtagumpay Kang lubos; Nakaluklok, pinutungan, Sa Iyo ang kamahalan. |
7
|
Nasa Ka ng mga bansa, Talos ang Iyong halaga; Higit Ka sa laksa-laksa, Dapat Ka sa pagsamba. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?