1
Pag-ibig Mo’y hindi ko malirip,
Nguni’t, Panginoon, aking isip,
Ang luwang, haba nais malaman,
Taas, lalim nito’t kalakasan
Nang lubusan.
Nguni’t, Panginoon, aking isip,
Ang luwang, haba nais malaman,
Taas, lalim nito’t kalakasan
Nang lubusan.
2
Pag-ibig Mo’y higit sa masaysay,
Panginoon, ang labi kong taglay,
Magpapahayag ng Iyong pag-ibig
Sa makasalanang may tigatig
Iyong sinagip.
Panginoon, ang labi kong taglay,
Magpapahayag ng Iyong pag-ibig
Sa makasalanang may tigatig
Iyong sinagip.
3
Pag-ibig Mo’y higit sa mapuri,
Panginoon, ang puso ko’y tangi,
Aawit sa puspos Mong pag-ibig,
Tulad kong salarin ay naantig
Tungo sa Diyos.
Panginoon, ang puso ko’y tangi,
Aawit sa puspos Mong pag-ibig,
Tulad kong salarin ay naantig
Tungo sa Diyos.
4
Pag-ibig Mo—kahit di-masukat,
Di-mabigkas, mapuri nang sapat,
Hungkag na puso’y dadalhin sa Iyo,
O batis na buhay, pag-ibig Mo,
Pun’in ako.
Di-mabigkas, mapuri nang sapat,
Hungkag na puso’y dadalhin sa Iyo,
O batis na buhay, pag-ibig Mo,
Pun’in ako.
5
Ako’y isang hungkag na sisidlan,
Kainlanma’y di Kita hinangaan,
Sa Iyo muli’t muling makalapit,
Habag, biyaya’y aking makamit,
Inibig Mo.
Kainlanma’y di Kita hinangaan,
Sa Iyo muli’t muling makalapit,
Habag, biyaya’y aking makamit,
Inibig Mo.
6
Ako’y punuin ng pag-ibig Mo,
Sa ilog na buhay dalhin ako,
Payak akong nanampalataya,
Hindi ako lalapit sa iba,
Kundi sa Iyo.
Sa ilog na buhay dalhin ako,
Payak akong nanampalataya,
Hindi ako lalapit sa iba,
Kundi sa Iyo.
7
At sa luklukan Mo, Panginoon,
Ang Iyong mukha’y makita ko roon,
Ang luwang, haba ng pag-ibig Mo,
Ang taas, lalim at lakas nito,
’Awitin ko.
Ang Iyong mukha’y makita ko roon,
Ang luwang, haba ng pag-ibig Mo,
Ang taas, lalim at lakas nito,
’Awitin ko.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?