Kunin lupa! ’Binigay ng Diyos sa atin

CB1287 Cs243 D1287 E1287 G1287 LSM263 R146 S404 T1287
1
Kunin lupa! ’Binigay ng Diyos sa atin;
Sa pamumuhay Kristo ay kamtin:
Kunin lupa ’pagka’t may inihanda na—
Dugo, Sal’ta, ’Spiritu’t ekklesia.
 
(Mga kapatid na babae)
Lupa’y kunin! Mga kapatid,
Ang lupang ’binigay ng Diyos.
Magpakalakas, tayo’y mag’wagi,
Lupa’y kunin, kay l’walhati!
 
(Mga kapatid na lalake)
Lupa’y kunin! Mga kapatid
Sa pagkuha’y magsigasig.
Tumatawag Siya, nanguna na nga,
Tanang kailangan handa na!
2
Taglay dugo! Si Kristo ang ating hain,
Sarili Niya’y sa Diyos inihain;
Sa trono ng biyaya dudulog tayo,
Ating gamitin mahal Niyang dugo.
3
May salita! Pagkain sa araw-araw;
Nagtutustos sa ’tin, tumatanglaw;
Ihalo ang Salita sa pananalig,
Amen! Pamumuhay maging tuwid.
4
May ’Spiritu! ’Spiritu ng realidad,
Di-damdamin ang may awtoridad;
Tinuruan tayo sa Kanya’y mamuhay,
Ginabayan sa lahat na tunay.
5
May ekklesia! Tanang banal ay kailangan,
Nang matamo Kanyang kapuspusan;
Nagpapalo’b-ng-lahat na Kristo’y tam’hin,
Siya ang lahat-lahat para sa ’tin.