Purihin ang Diyos

Cs416 E1209 T1209
1
Purihin ang Diyos ---
Kay sayang balita,
Ito’y di mababa,
Pinakamataas.
Sa trono’y nagtipon tayo
Tamasa’y lahat ng sa Diyos.
Tamasa’y lahat ng sa Diyos.
2
Labas na looban,
At Banal na lugar,
Huwag manatili,
Kundi pumaloob.
Sala’y iwan---napawi na;
Sa lo’b ng tabing Diyos kai-sa.
Sa lo’b ng tabing Diyos kai-sa.
3
Laliman pagbaling,
Sa kaitaasan,
Nasa tronong Kristo
Tayo’y mapariyan.
Sa trono ng b’yaya tayo
Masdan Hesus nang mukhaan.
Masdan Hesus nang mukhaan.
4
Pinapaging-isa
Di-mapagsarili,
Tayo’y di-pribado
Katawan nga tayo.
Tayong sangkap nagkakai-sa
Katawan ng Panginoon.
Katawan ng Panginoon.
5
Bilang ang Katawan,
Pundasyon salita,
Kay taas nakita,
Altar, krus, at dugo.
Salitang sakdal malaman
Salamuha sa luklukan.
Salamuha sa luklukan.
6
Kristo’y obhektibo,
Tayo’y subhektibo
Karanasan natin,
Susi’y espiritu.
Taglay espiritu natin
Diyos, trono’t, pinakabanal.
Diyos, trono’t, pinakabanal.
7
Levitico’y  lipas,
Gawa’ng A’aron wakas,
Dito’y Melchisedec,
Pari kailanpaman.
Ministeryo Niya kay inam
Nagpakain pan at alak.
Nagpakain pan at alak.